Tama na muna

“Puso, hindi ka ba napapagod?”

Ayaw naman kitang sisihin, ginawa ka kasi para tumibok habang ako’y nabubuhay. Pero hindi ka ba napapagod?. Hindi ka ba napapagod mag mahal at masaktan ng paulit-ulit? Hindi ka ba napapagod umintindi? Hindi ka ba napapagod mahulog ng mahulog at walang nasalo sayo? Hindi ka ba napapagod umasa?

Puso, tama na muna.

Tama na muna sa pag hahabol ng mga taong hindi ka naman kayang pagalagahan. Tama na muna sa pag intindi ng iba. Tama na muna sa pagbibigay ng pag mamahal sa iba. 

Tama na muna.

Puso, Mag pahinga muna tayo. Itigil mo muna ang pag intindi ng tibok ng puso ng ibang tao. Ibalik muna natin ang dati mong pag tibok, yung tibok ng pag mamahal sa sarili. Nakalimutan mo na ata tumibok para sa nilalang na gumawa sayo. Mag tulungan tayo hanggat sa mabalik natin yung pag tibok na ating ninanais… yung tibok na walang hinihinging kapalit na pagmamahal.

Puso, Mag pahinga ka muna hanggat mahanap mo muli ang tunay na rason ng iyong pag tibok. 

Advertisements